Season 1 (2018)
← Back to season list
Episodes 70
Episode 10
Ibinunyag ni Ning Chuan kay Headmaster Xin ang plano niyang talunin si Duke Chang. Nagpapanggap na isang lalaki, nagtrabaho si Zhiwei sa Tirahan ng Lanxiang.
Read MoreEpisode 11
Naniwala si Ning Yan sa panlilinlang ni Headmaster Xin, at kinumpirma nito ang paghihinala ni Ning Chuan. Lalong nakuha ni Headmaster Xin ang tiwala ni Ning Chuan.
Read MoreEpisode 12
Naghinala sina Zhu Yin at Zhiwei na balak lasunin ni Ning Chuan si Ning Yi, pero nagkasakit din ang emperador. Nahirapan si Duke Chang na bawiin ang tiwala ni Ning Chuan.
Read MoreEpisode 13
Isang misteryosong bantay ang umaaligid kay Zhiwei. Pinadala ni Ning Yi si Zhiwei sa East Palace para ipagpalit ang isang artifact, masama ang ibinunga nito kay Ning Yan.
Read MoreEpisode 14
Kinompronta ni Ning Yi si Ning Yan tungkol sa papel niya sa pagbagsak ni Ning Qiao. Naghihinala si Ning Sheng na may kinalaman si Ning Yi sa iskandalo sa kahoy na pigura.
Read MoreEpisode 15
Dinala ni Headmaster Xin kay Ning Yan ang mangkukulam, pero isang impostor ang nasa likod ng maskara. Binusisi ng makasalanang emperador ang kuwento ni Ning Chuan.
Read MoreEpisode 16
Nagreklamo si Prinsesa Shao Ning kay Ning Chuan tungkol sa nangyari sa kanya sa Akademya ng Qingming. Nahirapan si Ning Yi na lutasin ang hiwaga sa likod ng sakit niya.
Read MoreEpisode 17
Nakita ni Ning Chuan ang singsing kay Zhao Yuan at inisip niyang patibong iyon. Inutusan ni Ning Yi ang mga tauhan niyang hanapin si Zhiwei, pero nauna na si Duke Chang.
Read MoreEpisode 18
Nagplano si Ning Chuan ng isang pagpatay sa Bloody Pagoda, pero pipigilan ito. Dumating si Zhiwei sa imperial ceremony para piliin ang nangungunang mga iskolar.
Read MoreEpisode 19
Sa korte, ibinunyag ni Chief Gu ang koneksyon ni Ning Chuan sa Bloody Pagoda. Sa pagkadismaya kay Ning Yi, nakisama si Zhiwei sa emperador.
Read MoreEpisode 20
Sinuri ng emperador ang kaso ni Ning Qiao. Walang kamalay-malay si Shao Ning na tinulungan niya si Zhiwei na tukuyin ang salarin sa tangkang panlalason kay Ning Yi.
Read MoreEpisode 21
Binalaan ni Ning Yi si Zhiwei ukol sa mga Chang at hinarap ang emperador sa pagkamatay ng ina. Sinubukan nina Duke Chang at Ning Sheng na makipagsabwatan kay Ning Chuan.
Read MoreEpisode 22
Inasahan ni Ning Yi ang susunod na galaw nina Duke Chang at Ning Chuan. Nahirapan si Zhiwei na kumbinsihin si Ning Yi na huwag idamay ang buhay ni Ning Chuan.
Read MoreEpisode 23
Binigay ng mga courtier ang hatol sa kapalaran ni Duke Chang, pero ginawan ito ng paraan ni Ning Yi. Tinanong ni Shao Ning si Qiu Shangqi tungkol sa nakaraan ni Zhiwei.
Read MoreEpisode 24
Sa tulong ni Ning Yi, pinilit ni Zhiwei si Qiu Shangqi na bawiin ang ultimatum at pumayag sa gusto niya. Desidido si Shao Ning na ipaghiganti si Ning Chuan.
Read MoreEpisode 25
Sa pagbabalik ni Ning Qi, nag-alala ang ina niyang si Lady Wang. Nakaisip ng solusyon si Zhiwei nang sabihin ni Ning Qi sa emperador ang pag-aalala niya sa horse market.
Read MoreEpisode 26
Sa paghihinala sa mga intriga, palihim na nagpadala si Ning Yi ng tauhan para hulihin ang piratang si Chen Shao na inaakusahang pumatay sa courtier na si Lin Renqi.
Read MoreEpisode 27
Ginigipit ni Qiu Mingying si Zhiwei na magbitiw sa korte. Tinulungan ni Ning Yi si Ning Qi na mapagtantong naging kasangkapan siya ni Ning Sheng sa kaso ni Chen Shao.
Read MoreEpisode 28
Nakita ni Zhiwei si Helian Zheng pabalik sa bahay ng Qiu. Sinabi ni Chen Shao kay Ning Yi kung paano siya naging mersenaryo ng tiwaling Lord ng Minhai.
Read MoreEpisode 29
Ginamit ni Ning Sheng ang hairpiece ni Noble Consort Chang nang nagpanggap na si Ning Yi para linlangin si Zhan Bi, na hinarap ni Ning Yi sa pagkamatay ng inang si Ya Le.
Read MoreEpisode 30
Napaniwala si Zhan Bi sa plano ni Ning Sheng na siraan si Ning Yi sa harap ng emperador, pero nabigo ang planong ito noong nakialam si Zhiwei.
Read MoreEpisode 31
Sinabi ni Helian Zheng kay Ning Yi na gusto niyang pakasalan si Zhiwei, sa harap mismo ni Wei Zhi. Pinilit ni Zhiwei si Shao Ning na manatiling low profile.
Read MoreEpisode 32
Bilang Censorate chief, ipinakita ni Ning Yi sa emperador ang ebidensyang magdadawit sa Lord ng Minhai sa kaso ni Lin Renqi, pero sinira ni Chen Shao ang plano niya.
Read MoreEpisode 33
Tumutol si Zhiwei noong humingi ng permiso ang Lord ng Minhai na sanayin si Ning Sheng. Layunin ni Headmaster Xin na paglayuin sina Ning Yi at Zhiwei.
Read MoreEpisode 34
Binanggit ni Ning Yi ang kaso ni Lin Renqi nang sabihing magbabalik sa kapangyarihan ang Lord ng Minhai. Naghinala si Shao Ning na kagagawan ni Ning Yi ang marka ng dugo.
Read MoreEpisode 35
Nagsabwatan sina Shao Ning at Noble Consort Chang para panatilihing tahimik si Lady Wang tungkol sa pakana noon laban kay Ya Le. Pinagbantay si Wei Zhi ng gintong kahon.
Read MoreEpisode 36
Natuklasan ni Helian Zheng ang lihim ni Wei Zhi. Isinumbong ni Zhao Yuan sa emperador na umaaligid si Shao Ning kina Noble Consort Chang at Ning Sheng.
Read MoreEpisode 37
Binisita ni Ning Yi ang lumang tirahan ni Ya Le, ang Palasyo Yilan, at nakita ang dating lingkod. Dumating din si Noble Consort Chang at naisip na nakakita siya ng multo.
Read MoreEpisode 38
Noong imperial gift ceremony, nabagabag si Lady Wang sa maling akusasyon at sinamantala ni Ning Yi ang pagkakataong ibunyag ang katotohanan sa pagkamatay ni Ya Le.
Read MoreEpisode 39
Matapos mabigo ni Ning Sheng na buksan ang gintong kahon, naglagay ng panibagong panggulo sina Shao Ning at Pang Pei, pero may iba pang tao na palihim na kumikilos.
Read MoreEpisode 40
Natuklasan ni Ning Yi ang pagpapanggap ni Ning Sheng at ang planong patayin si Wei Zhi. Pinagpalit ni Shao Ning ang scroll ng emperador at nahulog sa patibong ni Ning Yi.
Read MoreEpisode 41
Pinayuhan ni Wei Zhi ang emperador na magpadala ng envoy sa Minhai. Humingi ng tulong si Shao Ning kay Ning Qi na mapapayag ang emperador na ipakasal si Wei Zhi.
Read MoreEpisode 42
Nagkandarapa si Headmaster Xin na pigilan si Wei Zhi na ilantad ang lihim. Matapos tanggihan ang panukala ni Shao Ning, may nakagugulat na ibinunyag si Wei Zhi sa korte.
Read MoreEpisode 43
Sa nalalapit na pagbitay kay Zhiwei, may mapanganib na plano si Qiu Mingying sa patakas sa Bloody Pagoda, pero dumating sa tamang oras si Ning Yi para makialam.
Read MoreEpisode 44
Nagpadala ng mensahe si Ning Yi kay Qiu Mingying sa pamamagitan ni Chief Gu. Laban sa utos ng ama, hinarangan ng magkapatid na Chang ang pagdating ni Ning Yi sa Minhai.
Read MoreEpisode 45
Naglagay ng patibong si Chang Zhongxin para sa kapatid na si Zhongyi, at tinalikuran ang ama nila. Nagnakaw si Feng Hao ng artifact sa aparador ni Qiu Mingying.
Read MoreEpisode 46
Nagpanggap si Zhongxin para pagtakpan ang krimen niya at inihanda ang mga kawal para sa paghihimagsik. Nakita ni Zhiwei ang nobya ni Yan Huaishi na si Hua Qiong.
Read MoreEpisode 47
Sinamantala ni Zhongxin ang sakit ni Ning Yi para ituloy ang plano niya, pero kinumbinsi ni Yan Huaishi si Zhou Xizhong na tumulong sa paghadlang sa ambisyon ni Zhongxin.
Read MoreEpisode 48
Matapos makatakas ni Feng Hao sa kulungan, naghanap ng impormasyon si Peng Pei sa ugnayan ng pamilya Qiu sa dating dinastiya, at ipinaalam kay Ning Qi ang hinala niya.
Read MoreEpisode 49
Matapos harapin si Qiu Mingying tungkol sa pagkatao ni Feng Hao, nahulog si Headmaster Xin sa patibong nina Ning Qi at Peng Pei, at nahuli si Qiu Mingying.
Read MoreEpisode 50
Ipinahuli ni Ning Qi sa mga tauhan niya si Master Zong. Sinabi ni Qiu Mingying kay Headmaster Xin na mapoprotektahan si Zhiwei kung isakripisyo ang sarili at si Feng Hao.
Read MoreEpisode 51
Nagpumilit pumasok si Zhiwei sa korte ng emperador para ipagtanggol ang pamilya niya. Dumating din si Ning Yi at nakiusap na huwag idamay ang buhay ni Zhiwei.
Read MoreEpisode 52
Kinuwento ni Master Zong kay Zhiwei ang katotohanan sa pinagmulan niya. Para protektahan si Zhiwei, binigyan ni Ning Yi ng matinding ultimatum ang emperador.
Read MoreEpisode 53
Matapos pumayag sa pagpapakasal nina Helian Zheng at Zhiwei at pagbalik sa Jinshi, inutusan ng emperador si Ning Yi na samahan sila sa daan.
Read MoreEpisode 54
Nakipagpulong si Ning Yi sa prinsipe ng Dayue na may panukalang mag-alyansa sila. Inutusan ng emperador si Gu Heng na bantayang mabuti sina Ning Qi at Peng Pei.
Read MoreEpisode 55
Hinarap ni Helian Zheng si Helian Lie na may kautusang tutulan ang paghalili, pero nakialam si Liu Mudan. Nag-imbestiga si Ning Yi sa nakaraan ng mga pamilyang Liu at Si.
Read MoreEpisode 56
May pinalayang bilanggo si Ning Yi para tulungan sina Zhiwei at Helian Zheng. Ipinagaya ni Ning Qi sa gumagawa ng pabangong si Yueling ang kahon ng insenso ng emperador.
Read MoreEpisode 57
Inaway ni Zhiwei sa Liu Meiduo at pinigilan ang plano ni Helian Lie laban sa kanila ni Ning Yi. Nalaman ni Helian Zheng ang katotohanan sa pagkamatay ng ama.
Read MoreEpisode 58
Nagnakaw si Yueling ng anting-anting sa kahon ni Ning Sheng bago ito ibigay kay Ning Qi. Nahadlangan ang kasal nina Zhiwei at Helian Zheng dahil sa kaguluhan sa Jinshi.
Read MoreEpisode 59
Narinig ni Yueling ang pag-uusap ng emperador at ng dating lingkod ni Ya Le na si Lingying. Kinasangkapan ni Ning Qi si Shao Ning para ipitin si Ning Yi.
Read MoreEpisode 60
Nakalabas si Ning Yi ng Templo ng Zongzheng at isinama niya si Lingying. Para makita ang totoong Zhiwei, nakipagkasundo si Jin Siyu kina Zhiwei at Hua Qiong.
Read MoreEpisode 61
Sinabi ni Lingying kay Ning Yi ang lihim ukol sa ina. Binigay ni Yueling ang anting-anting sa lalaking konektado sa Imperyo ng Dacheng at nagplanong ilantad si Ning Qi.
Read MoreEpisode 62
Nakilala ni Jin Siyu ang totoong Zhiwei. Para tumulong sa pagtakas ni Zhiwei sa Puyuan, pinahatid ni Ning Yi kay Jiarong ang mapa ng lihim na labasan.
Read MoreEpisode 63
Nagising si Zhiwei nang halos walang naaalala, at napaniwala siya ni Jin Siyu na mag-asawa sila. Winasak ni Ning Yi ang Puyuan sa ginawa niyang plano sa pagtakas.
Read MoreEpisode 64
Hindi pinagbigyan ng emperador ang hiling ni Ya Le na makita si Ning Yi at gawing kahalili si Ning Qi. Nagplano sina Yueling and Zhang Sunhong na sirain si Ning Qi.
Read MoreEpisode 65
Nagpahatid ng mga kaban ng regalo si Ning Qi sa tirahan ni Ya Le, pero may mga tao sa loob ng mga ito. Dumating si Ning Cheng at naglaban sila ni Master Zong.
Read MoreEpisode 66
Matapos marinig sina Zhang Sunhong at Ning Qi, ginawan ito ng paraan si Gu Nanyi, pero may masamang ibinunga ito. Nagkagulo ang palasyo dahil sa dalawang pagpatay.
Read MoreEpisode 67
Hiniling ni Zhiwei kay Zhang Sunhong na kalimutan na ang nakaraan. Sinabi ni Headmaster Xin ang napipintong pag-aaklas ni Ning Qi kay Ning Ji na walang balak humalili.
Read MoreEpisode 68
Sa gitna ng courtier, tinipon ni Ning Qi ang mga kawal sa labas ng kuwarto ng emperor, pero pumasok sina Ning Yi at Zhao Yuan nang may nakagugulat na pahayag.
Read MoreEpisode 69
Pinag-away ni Zhang Sunhong si Zhiwei at Ning Yi, at ginamit ni Yueling ang galit ni Ning Qi. Pinigilan ni Ning Cheng sina Zhiwei at Helian Zheng sa pagpunta sa Jinshi.
Read MoreEpisode 70
Hiniling ni Gu Nanyi kay Yueling na sabihin kay Zhiwei ang totoong kapalaran ni Helian Zheng. Pumayag si Zhiwei kay Ning Yi na maging empress, pero may iba siyang plano.
Read More