Pagkatapos ng brutal na pag-atake, naisip ni Jeong Su-in na mukhang hindi na siya kagaya ng dati. Nalaman ni Choi Jun-kyung na nagtatayo ng organisasyon ang mga halimaw.
Para mahanap ang kapatid niya, inimbestigahan ni Seol Kang-woo ang Saejin Church, kung saan niya nakita si Su-in. Pero napahamak siya—at nakipaglaban sila para makatakas.
Pagkatapos salakayin ang Saejin Church, nagduda si Jun-kyung na may itinatago si Kim Chul-min—na sinundan niya habang nakikipagkita kina Su-in at Kang-woo.
Pagkatapos ibunyag ang lahat ng alam niya kay Chul-min, pumayag si Kang-woo na tumulong na iligtas si Su-in. Pero nang pumalpak ang plano, maraming buhay ang nanganib.
Kahit kailangan nilang magtago, sinabihan pa rin ni Su-in si Jun-kyung. Sa pagsalakay ng Team Grey, naisip nina Su-in at Kang-woo na parte lang ito ng mas malaking plano.
Nakipagkita si Su-in kay Seol Kyung-hee, na gustong kumampi sa kanya. Pero sukdulan na ang pangangamkam ng kapangyarihan ng mga parasite—at si Heidi na ang bahala.