Season 1 (2023)
← Back to season list
Episodes 12
Ang Pinakamadilim na Oras ay Bago Magbukang-liwayway
Inilipat si Jeong Da-eun sa Department of Mental Health, at si Oh Ri-na ang una niyang pasyente—isang babaeng mukhang wala namang problema.
Read MoreWalang Ganang Magtrabaho
Nasaktan si Da-eun sa negatibong komento sa kanya. Dahil tumitindi ang tensyon, nilutas ng mga doktor at nurse ang pagtatalo nila sa sinaunang pamamaraan.
Read MoreSafety Net
Bumisita ang trainee nurses sa psychiatric ward, pero kakaiba ang kilos ng isa sa kanila. Aksidenteng natuklasan ni Da-eun ang sikreto ni Song Yu-chan na bestie niya.
Read MorePaghahanap ng Kaunting Pag-asa
Pinagbintangan ng galit na pasyente si Da-eun na ninakaw niya ang pera nito. Ipinasilip ni Min Deul-re kay Hwang Yeo-hwan kung paano talaga siya namumuhay.
Read MoreKapag Sinabihan Ka ng Buhay na Magdahan-dahan Muna
Sa emergency, nakita ni Da-eun ang ibang side ni Dr. Dong Go-yun. Naka-relate ang senior nurse na si Park Soo-yeon sa pasyenteng pinagsasabay ang pagiging ina at trabaho.
Read MoreIsang Araw sa Buhay ng Isang Salamangkero
Dahil sa mga problema sa pera, lumayo si Deul-re kay Yeo-hwan. Nag-alala si Da-eun sa pasyenteng na-discharge para magbalik sa normal niyang buhay.
Read MoreAng Naulila
Nag-alala kay Da-eun ang mga kaibigan at katrabaho niya matapos ang isang trahedya at natuto ang mga doktor, nurse, at pasyente tungkol sa paggamot sa PTSD.
Read MoreExpiration Date ng Pagdadalamhati
Para maghilom ang puso, kinailangang maghinay-hinay ni Da-eun at harapin ang mga emosyon niya. Nagdamayan sina Yeo-hwan at Go-yun sa relationship issues nila.
Read MoreIsa Akong Nurse na may Depression
Nahirapan si Deul-re sa pagbabalik ng mama niya. Si Da-eun ngayon ang nasa sitwasyon ng mga pasyente niya at hindi matanggap ang diagnosis sa kanya.
Read MoreAng Pinakamahirap na Parte ng Paglalakbay
Natutuhan ni Da-eun kung paano uunahin ang sarili niya, pero natatakot siyang bumalik sa trabaho—hanggang sa palakasin ng head nurse ang loob niya.
Read MoreAt Tuloy Lang ang Paglalakbay
Pinagtsismisan si Da-eun nang magbalik siya sa trabaho. Isang gabi kasama ng mga kaibigan niya, muling nadiskubre ni Deul-re ang nagpapasaya sa kanya.
Read MoreDaily Dose of Sunshine
Nakahanap ng kakaibang paraan si Da-eun para matulungan ang pasyente niya. Pinili ni Deul-re ang pangarap niya at matapang na nanindigan si Yu-chan.
Read More