Kaagad na naging pinuno ng MI6 si Adam Lawrence nang may lumason sa kanyang boss. Pero dahil sa isang surprise meeting, nagduda siya sa kanyang career.
Nang maharap sa bagong panganib ang pamilya, sinubukan ni Adam ang wakasan ang ugnayan sa kanyang secret asset. May mga sariling lihim na alyansa sina Maddy at Kara.
Para maiwasan ang mga paratang ng treason, kapwa hinabol nina Adam at Maddy si Kara. Pero dahil sa mga narinig, nagkaroon ng pagdududa sa kung sino ang mapagkakatiwalaan.
Tumakas si Adam patungong London kasama ng mga bata pagkatapos bawiin ng MI6 ang kanyang clearance. Hindi nagtagal ay natuklasan sila — at dumanak ang dugo.
Marami pang lihim ang nabunyag nang magtulungan ang isang hindi inaasahang team para malaman ang katotohanan, nang may nakatayang mga buhay at hinaharap ng pamahalaan.