Agosto 1944. Sa Saint-Malo na okupado ng mga Nazi, nag-broadcast si Marie tungkol sa air raid—na may parusang kamatayan. Nakikinig ang sundalong German na si Werner.
Sa isang matinding interrogation, naalala ni Marie ang pagsalakay ng mga Nazi sa Paris habang nagunita naman ni Werner noong binisita siya sa ampunan ng isang SS officer.
Matapos makuha ang tiwala ni Etienne, ikinuwento ni Werner ang nakaraan at koneksyon niya sa shortwave 13.10. Matindi ang ginawa ni Daniel para linlangin ang Gestapo.
Determinado si von Rumpel na mahanap ang Sea of Flames. Sa gitna ng putukan at paglusob ng puwersa ng mga Amerikano sa lungsod, nagmadali si Werner na mailigtas si Marie.