Episodes 12
Football, Bloody Hell!
Dahal sa trauma mula sa trahedyang bumabagabag pa rin sa kanya, handa si Jin Se-kyung na ipagtanggol ang mga mahal niya sa buhay at maghiganti laban sa mga maysala.
Read MoreLove is Back
Hinala ni Kang In-a, may kinalaman si Se-kyung sa bagong murder, kaya nagbabala siya. Nang pinaplano na ni Se-kyung ang susunod na gagawin, ginulat siya ng isang bisita.
Read MoreI Have Butterflies...
Ikinatuwa ng mga kaibigan ni Ha Yun-sang ang biglaan niyang pagbabalik, kahit na kataka-taka ito. Nalaman naman ni Se-kyung na may nagmamanman sa kanya.
Read MoreFelix Culpa
Ipinagtapat ni Se-kyung kay In-a ang tungkol sa malalagim na bantang natatanggap niya. Sumabak silang dalawa sa mapanganib na misyon para harapin ang kriminal.
Read MoreThe Girl with a Cat
Sa kabila ng tagumpay niya, nababahala pa rin si Se-kyung na hindi pa tapos ang panganib. May kakaibang alok para kay Yun-sang na may kinalaman sa mga taong nawawala.
Read MoreMuch Ado About Nothing
Dahil sa aberya sa joint memorial Mass, nagkagulo sa simbahan kaya lalong tumindi ang pambabatikos at pagsisiyasat sa kinaroroonan ni Father Baek.
Read MoreArirang; Gone, But Not Forgotten
Marami pang natuklasan si Se-kyung tungkol sa misteryosong training center, at nakiusap siya kay In-a na imbestigahan ito. Nalaman nila ang malalagim na lihim sa gusali.
Read MoreDum Spiro Spero
Pagkatapos ng raid, nabulilyaso sa awtoridad ang grupo dahil sa nangyaring hindi nila inasahan—pero marami pa silang natuklasang nakakabagabag tungkol kay Father Baek.
Read MoreSilver Lining
Sa wakas, nakaharap na nina Se-kyung at Yun-sang si Father Baek, na nag-iwan sa kanila ng desisyon, kaya napilitan si Se-kyung na humiling ng imposible kay Yun-sang.
Read MoreExodus, Eclipsed
Sa araw ng paglikas, pinlano ni Se-kyung at ng mga kaibigan niya kuung paano ililigtas ang mga bata. Pero nagkaroon ng kaguluhan nang papalapit na ang eroplano.
Read MoreLast Christmas
Tanggap na nila ang kapalarang hatid ng asteroid, kaya sinubukan na lang magpatuloy ng lahat. Pero sadyang masaklap at malagim ang realidad para sa mga huli nilang araw.
Read MoreGoodbye Earth
Nang kapos na sa 20 araw ang natitira, naghanda na ang mga survivor para sa asteroid. Pero desidido pa rin si Se-kyung sa misyong protektahan ang mga bata.
Read More