Hindi pa rin makapaniwala sa ibinalita ng doktor ang dalawa, na napaisip tungkol sa kinabukasan nila. Mabigat ang desisyon ni Nisso—at may iba pang masamang balita.
Tuliro pa rin si Nisso sa diagnosis niya, kaya naging padaskol-daskol siya. Handa namang tumulong si Pini, at magkasama silang naghanap ng paraan para sagipin ang bar.
Habang magkasama sa bakasyon, nag-isip si Pini ng paraan para ipaliwanag ang desisyon niya sa kaibigan. Pero bago pa niya iyon magawa, lalo pang napahamak si Nisso.
Matindi ang nangyari sa night out ng Beitar fans. Habang naghahanap ng tahimik na lugar, napadpad sina Nisso at Pini sa isang metal bar—na may mga pasaway na tambay.
Mabilis na kumalat ang balita sa nangyari noong nagdaang gabi at nabahala si Alma. Sa Krakow, iniwasan ni Nisso si Pini at kinaibigan ang isang misteryosang estranghero.
Iniligtas uli ni Pini si Nisso, at sinabi ni Nisso sa kanya ang totoo. Nakasalalay sa test result ang kinabukasan nilang dalawa, at nagsimula ang pinakahihintay na match.